..Bintana..
Sa bahay ni lola meron akong paboritong bintana, ewan ko, basta iyon ang paborito kong lugar kapag gusto kong magsulat. Sa lugar na iyon ay malaya akong nakakapagsulat at malayang nakakapag-isip habang may mahinang musika na tumutugtog.
Kung ilalarawan ko ang tanawin sa labas ng bintana, sino ba ang mag aakalang paborito ko ang lugar na iyon. Luma na ang bahay ni lola. Yari lamang sa kahoy, pati ang binatana ay yari sa kahoy, bakbak na ang pinturang puti, halos wala na ngang pintura. At ang totoo wala ka naman talagang makikitang maganda sa labas ng bintana kundi pader ng aming kapit- bahay, at kapag minalas-malas ka pa hindi maganda ang amoy sa labas kapag may pasaway na pusa na umebz duon. Pero pag malamig ang panahon at mahangin ‘the best’ ang lugar na iyon sa may bintana, lalo na kapag panahon ng tag ulan. Sapat na ang mga patak ng ulan para makagawa ako ng isang tula, sapat na ang malamig na simoy ng hangin para makabuo ako ng kwento, sapat na ang makulimlim na panahon para ganahan akong magsulat.
Pero ano ba talaga ang meron duon sa bintanang iyon bakit naging paborito ko itong lugar? Ewan! Kahit ako nga ay natanong ko na yan sa sarili ko ng ilang ulit kahit sa mga oras na isinusulat ko ito. Kung babaguhin man ang bahay ni lola o dadating yung panahon na kailangan na naming umalis sa bahay sobrang mamimiss ko ang bintanang yun. Weird..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home